-- Advertisements --
Pumayag na si Syrian Prime Minister Mohammad Ghazi Al-Jalali ang dating gabinete ng pinatalsik na si President Bashar al-Assad , na ibigay na ang panununkulan sa mga rebeldeng grupo.
Sa inilabas na video ng Hayat Tahrir al-Sham (HTS) rebels ay makikita ang ginawang pagpupulong nila kasama ang outgoing Prime Minister.
Napagkasunduan na ipapaubaya na nito ang panunungkulan sa rebeldeng grupo.
Naging mapayapa aniya ang ginawang transfer of power para na rin sa kaligtasan ng mga mamamayan ng Syria.