-- Advertisements --

Dumating na sa Saudi Arabia si Syrian President Bashar al-Assad para dumalo sa Arab League summit.

Ito ang unang pagkakataon na bumisita ang lider ng Syria mula ng ibalik ang bansa sa Arab League nitong nakaraang mga linggo.

Magugunitang sinuspendi ng Arab League sa pagiging miyembro nila ang Syria dahil sa madugong crackdown ni Al-Assad sa mga government protesters noong 2011.

Mula kasi ng maupo si Al-Assad sa puwesto ng palitan ang namayapang ama noong 2000 ay hindi na naging maganda ang relasyon ng Syria at Saudi Arabia.