Ipinagtanggol ni Syrian President Bashar al-Assad ang kaniyang pamumuno at ang itinanggi nito na matagal na siyang nagplanong umalis bago pa lamang dumating ang mga rebeldeng grupo sa Damascus.
Sinabi nito na ang kaniyang pagtakas palabas sa Syria ay hindi naiplano o nangyari dahi nananatili ito sa Damascus ng hanggang Disyembre 8.
Tinawag nito ang mga rebeldeng grupo na mga terorista na pumasok sa capital kaya lumipat na ito sa Russian base sa Latakia City para makita angcombat operations.
Matapos na matalo ng mga Hayat Tahrir al-Sham (HTS) militant group ang huling Russian forces sa base ay lumipad na sila patungong Moscow, Russia.
Magugunitang kontrolado na ng HTS militant groups ang nasabing bansa matapos na simulan nila ang pag-atake mula pa noong buwan ng Nobyembre.