-- Advertisements --

Dumating na sa Russia si Syrian President Bashar al-Assad at pamilya nito matapos ang ginawang pag-agaw ng mga rebeldeng grupo sa pamumuno nito.

Ang Russia kasi ay isang mahigpit na kaalyado ng Syria kung saan binigyan nila ng asylum si Assad.

Isinagawa nito ang pagtakas matapos na lusubin ng Hay’at Tahrir al-Sham (HTS) ang nasabing gobyerno nito.

Sinabi ng lider ng grupo na si Abu Mohammed al-Jawlani, na kanilang tinapos na ang pamumuno ni Assad.

Si Jawlani ay itinuturing ng US na global terrorist na mayroong reward na $10-M.

Dahil sa pagkontra nito sa pamumuno Assad ay tinanggap ng mga Syrian si Jawlani na magandang alternatibo para kay Assad na nasasangkot sa iba’t-ibang kontrobersiya.