-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si Syrian President Bashar al-Assad at asawa nitong si Asma.

Bashar al Assad
Bashar al Assad and wife

Ayon sa kampo ng Syrian President na nasa mabuting kalagayan ang dalawa at sila ay kailangan na mag-isolate ng dalawa hanggang tatlong linggo.

Nagtala kasi ng 45,870 na kaso ng COVID-19 sa Syria at 2,023 dito ang nasawi.

Noong Marso 1 ay nakatanggap ng unang shipment ng bakuna ang Syria kung saan hindi na binanggit pa ang bansang nagregalo umano sa nasabing bakuna at kung ilan ito.