Palaisipan pa rin sa mga taga-Syria ang kinaroroonan ng kanilang pangulo na si Bashar al-Assad.
Base sa ulat ng Syrian Observatory for Human Rights na isang eroplano na lulan ni Assad ang umalis palabas ng Syria.
Nauna itong nakaalis sa Damascs International airport bago ang pag-alis ng mga army security forces sa pasilidad.
Dumating sa Sharjah, United Arab Emirates ang Cham Wings Airlines Airbus A320 passenger plane na sinasabing sinakyang ni Assad.
Itinanggi naman ng diplomatic adviser to the president na nasa United Arab Emirates si Assad.
Magugunitang nasakop na ng rebel forces ang Damascus na siyang umanong pagtatapos ng panunungkulan ni Assad.
Inako ni Abu Mohammed al-Jawlani ang lider ng mga rebelde na sila na ang mamumuno ng nasabing bansa.