-- Advertisements --

Sinunog ng mga rebelde ng Syria ang libingan ni dating pangulong Hafez al-Assad ang ama ng pinatalsik na si President Bashar al-Assad.

Ang ama nito ay namuno sa Syria sa loob ng 29 na taon hanggang sa kaniyang kamatayan noong 2000.

Ayon sa mga rebeldeng grupo na nais lamang nilang iparating na ang kanilang ginawa ay para sa mga mamamayan ng Syria na nilapastangan sa kanilang pamumuno.

Magugunitang tumakas patungong Russia si Pres. al-Assad kasama ang pamilya nito matapos na makontrol ng mga rebeldeng grupo ang nasabing bansa.