-- Advertisements --

Iniulat ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na darating na bukas ang mga syringes na gagamitin para sa Pfizer’s COVID-19 vaccine.

Ito ay sa gitna ng kakulangan ng mga syringe para sa anti-coronavirus shots mula sa US drugmaker.

Sinabi ni NVOC chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje na darating sana ang Pfizer syringes sa Nobyembre 22 at 24.

Ngunit, dahil sa global shortage na-delay ang pagdating ng mga ito kahit noon pang mga nakaraang buwan sila nagbiili ng halos 44 million.

Magugunitang, dahil sa kakulangan sa ancillary supplies, lalo na ang mga hiringgilya para sa mga bakuna sa Pfizer, ibinaba ng gobyerno ang paunang target nitong ilunsad ang 15 milyong dosis ng bakuna laban sa COVID-19.

Nasa 9 na milyong jabs na lamang ang target ng pamahalaan sa National Vaccination Drive na magtatapos ngayong araw.

Bukod sa naantalang pagdating ng mga hiringgilya, sinabi ni Cabotaje na iba pang hamon na kanilang naranasan sa panahon ng National Vaccination Drive ay ang non-accomodation ng mga walk-in vaccinees sa ilang lugar at ang “overwhelming response” noong unang araw, ang kawalan ng kakayahan ng ilang local government units. para sa pagbabakuna sa bata, at ang huling pagsusumite ng vaccination accomplishment.

Nakatakdang magsagawa ang gobyerno ng isa pang mass vaccination drive mula Disyembre 15 hanggang 17.Top