-- Advertisements --

COTABATO CITY – Nakakabahala na umano ang patuloy na pagtaas ng mga nagpopositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

Sa pinakahuling datos ng Ministry of Health (MOH-BARMM) naungusan na ng Cotabato City ang ibang lugar sa may pinakamaraming nagpositibo sa nakakahawang sakit.

Mas marami rin ang naitalang gumaling kaysa sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Bangsamoro region ayon sa MOH.

Mula Hunyo 8 aabot sa 107 ang naitalang gumaling kung kaya’t pumalo na sa 6,094 ang total recoveries.

Iniulat din ng kagawaran ang karagdagang 77 panibagong kaso ng COVID-19.

Dahil dito, sumampa na sa 7,251 ang total coronavirus infections sa BARMM.

Muli nanguna ang Cotabato City sa may pinakamaraming naitalang bagong kaso ng deadly virus na umabot sa 43, sinundan ng Lanao del Sur at Marawi City na mayroong 28 new infections, Basilan at Lamitan 4 cases habang ang Sulu at may dalawang bagong kaso.

Pumalo naman sa 270 ang total death cases matapos mamatay ang isang pasyente na taga Lanao del Sur at Marawi City.

Nasa 887 pa ang aktibong kaso.