Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na patuloy ang naitatalang pagyanig mula sa Taal Volcano at Mt. Bulusan.
Ayon sa ahensya, 12 volcanic earthquake ang naranasan, habang 8 volcanic tremors dito ay tumagal ng 2-4 minuto ang.
May naitala ring Sulfur Dioxide Flux (SO2) na 3504 tonelada kada araw at upwelling ng mainit na volcanic fluids sa lawa.
Ang steam plume naman ay 900 metro ang taas at ito ay katamtamang pagsingaw na napadpad sa timog-kanluran at kanluran-hilagang kanluran ng island volcano.
Samantala ang bulkang Bulusan naman ay nagkaroon ng 11 volcanic earthquakes.
Naka-monitor din ng Sulfur Dioxide Flux (SO2) na 50 tonelada kada araw.
Habang may steam plume na natatakpan ng ulap.
Nakitaan din ng ground deformation sa ilang bahagi ng bulkan.