-- Advertisements --
Muling nakaranas ng phreatic rruption ang Taal Volcano sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Phivolcs, tumagal ito ng lima hanggang 9 minuto.
Bagama’t walang na-monitor na pagyanig, nagkaroon naman ng Sulfur Dioxide Flux (SO2) na 1,577 tonelada kada araw.
Mayroon ding upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.
Ang steam plume ay nasa 900 metro taas at itinuturing na katamtamang pagsingaw.
Napadpad ito sa kanluran-timog-kanluran ng Taal, Batangas.
Habang kapansin-pansin din ang ground deformation o pag-impis ng kalakhang Taal Caldera na may panandaliang pamamaga ng gawing hilaga at timog silangang bahagi ng Taal Volcano Island.