-- Advertisements --
Muling tumataas ang ibinubugang asupre ng bulkang Taal nitong nakalipas na mga araw.
Ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naging kapansin-pansin ang tinatawag na degassing mula sa main crater nito.
Na-detect ng Phivolcs ang naturang aktibidad bandang hatinggabi ng ika-11 Marso.
Dagdag ng ahensya, tumataas din ang volcanic sulfur dioxide (SO2) gas emission nito na nagsimulang tumaas noong March 6.
Umaabot sa 15,900 tons per day ang naitala simula noong ika-9 Marso.
Sa kabila ng pagtaas ng aktibidad nananatiling nasa Alert Level 2 pa rin ang bulkang Taal.
Nakapagtala naman ang Phivolcs ng volcanic earthquakes at apat na volcanic tremors na tumagal mula dalawa hanggang walong minuto.