-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Maging sa Metro Manila ay nagkakaubusan na ang supply ng mga face mask sa mga drug store at sa iba pang mga lugar sa Luzon dahil sa patuloy na pagbuga ng abo ng Bulkang Taal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Gretel Sepanton, call center agent sa Bonifacio Global City sa Taguig, inihayag nitong wala na silang mabiling “n95” face mask sa mga drug store.

Kahit mga surgical face mask ay wala na ring supply sa mga tindahan, ayon kay Sepanton.

Dagdag pa nito, nahihirapan silang huminga at masakit din sa mata at lalamunan ang mabahong ash fall.

Apektado rin ang transportasyon dahil maraming sasakyan ang tumigil munang bumiyahe dahil sa abong ibinubuga ng Taal Volcano.

Kagabi, itinaas na sa Alert Level 4 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Bulkang Taal.