-- Advertisements --

Itinaas na ng Phivolcs sa alert level 3 ang bulkang Taal, mula sa dating alert level 2 lamang.

Ito ay kasunod ng mga abnormalidad na ipinapakita sa mga nakaraang araw.

At kaninang umaga, nakitaan ito ng pagbuga ng makapal na usok at abo.

Ayon sa Phivolcs, isa itong phreatomagmatic burst na bahagi ng phreatomagmatic activity, kung saan may 1,500 metro ang taas ng plumes na sinundan ng pagyanig.

Payo ng mga eksperto, maghanda na sa paglikas ang mga residenteng malapit sa bulkan para maiwasan ang posibleng malalang epekto ng patuloy na volcanic activity.

“PHIVOLCS strongly recommends Taal Volcano Island and high-risk barangays of Bilibinwang and Banyaga, Agoncillo and Boso-boso, Gulod and eastern Bugaan East, Laurel, Batangas Province be evacuated due to the possible hazards of pyroclastic density currents and volcanic tsunami should stronger eruptions subsequently occur,” saad ng abiso mula sa Phivolcs.