-- Advertisements --

Nagpapatuloy pa rin ang abnormalidad ng Taal volcano, kahit ilang linggo na matapos ang phreatic eruption nito, kung saan kumalat ang ash fall mula sa Batangas hanggang sa mga karatig na lugar.

Ayon sa ulat ng Phivolcs, sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala pa rin sila ng puting usok mula sa main crater at may taas itong 50 metro, patungo sa direksyong timog kanluran.

Ang Taal Volcano Network ay nakapag-record ng 182 volcanic earthquakes, kasama na ang isang low-frequency event at isang harmonic tremor na tumagal ng tatlong minuto.

Sa kasalukuyan ay nananatili sa alert level 3 ang bulkan, na nangangahulugang posible pa rin ang panibagong phreatic eruption.