Muling nagbugas ng mataas na volume ng sulfur dioxide ang bulkang Taas sa lalawigan ng Batangas nitong nakalipas na araw base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Nasa kabuuang 12,063 metrikong tonelada ng sulfur dioxide ang naobserbahan mula sa main crater ng bulkan sa nakalipas na 24 oras at tumaas pa ito sa 900 meters bago napadpad sa timog-kanlurang bahagi.
Naobserbahan din ang upwelling ng mainit na volcanic fluids sa main crater lake na nasa Taal Volcano island o mas kilala sa tawag na Pulo na matatagpuan sa kalagitnaan ng Taal Lake.
Bagamat wala namang naitalang earthquake.
Nakatakdang namang maglabas ng abiso ang mga local health official sa posibleng banta sa kalusugan dala ng mataas na volume ng toxic volcanic gas.
Sa kabila nito, patuloy ang paalala ng government officials sa lahat ng lokal na pamahalaan na nakapalibot sa bulkan na paalalahana nag mga residente na magsuot ng N95 face masks kapag lumalabas ng kanilang bahay para maproteksyunan laban sa vog sa tuwing bumubuga ng mataas na volume ng toxic gas ang bulkan.