Umabot sa 2,600 kilometrong taas ng abo ang ibinuga ng Taal Volcano sa Batangas nitong Martes, ayon sa latest monitoring ng Phivolcs
Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, posible pang umanong magtagal ang mataas na presensya ng volcanic smog o VOG sa lalawigan ng Batangas at mga karatig na lugar.
Sinabi ni Agoncillo Mayor Cindy Reyes na kitang-kita pa rin ang volcanic smog ngayong araw sa Taal volcano.
Base naman sa impormasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council Talisay Batangas, kapansin-pansin pa rin ang patuloy na presensya ng Vog mula sa bulkan.
Sa ibinahaging larawan naman ni Vice Mayor Lemery Geraldine Ornales, bahagyang nabawasan ang kontaminadong usok kumpara noong nakaraang araw.
Patuloy pa rin ang nakataas ang Alert Level 1 sa nasabing bulkan at ipinagbabawal pa rin ang pagtungo sa volcano island ng Taal.