-- Advertisements --
Taal Volcano PHIVOLCS NDRRMC

Kinumpirma ng Phivolcs na nakapagtala ng phreatic burst sa Taal volcano ngayong araw.

Ayon sa abiso ng ahensya, nangyari ito kaninang madaling araw ngunit nagsagawa muna sila ng berepikasyon, bago naglabas ng impormasyon.

Naobserbahan sa bulkan ang puting usok at abo na may taas 250 metro.

Napadpad naman iyon sa timog kanlurang direksyon ng naturang active volcano.

Nilinaw naman ng Phivolcs na hindi sila magtataas ng alerto mula sa kasalukuyang alert level 1, dahil may mga palatandaang kailangang ikonsidera bago ang anumang pagbabago sa alert status ng bulkan.