-- Advertisements --
Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang panibagong phreatic event mula sa Taal Volcano ngayong araw.
Naranasan ito kaninang alas-12:39 ng tanghali.
Batay sa record ng Taal Volcano Observatory (TVO) na nasa Brgy. Buco, Talisay, Batangas, naitala ang 2,400 metrong taas ng plume mula sa Taal Volcano Island.
Sa ngayon ay nananatili pa rin ito sa alert level one (1).
Nagangahulugan ito na bawal ang pagpasok ng mga mamamayan sa danger zone area dahil sa posible pa ring masundan ang pagbuga ng usok at abo.
Maliban dito, may namataan ding pamamaga sa bulkan na indikasyon ng patuloy na abnormalidad nito.