-- Advertisements --
Muli umanong nagkaroon ng phreatomagmatic burst sa Taal Crater.
Sa advisory na inisyu dakong alas-8:00 kagabi ang phreatomagmatic burst ay naganap dakong alas-4:16 ng hapon.
Nagbuga rin ito ng 300-meter na taas na white plume patungong southwest ng Taal Volcano.
Hindi naman umano nasundan ang naturang pagsabog.
Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan at nararanasan ang biglaang steam o gas-driven explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas.
Nagiging banta ito sa mga residente na nasa paligid ng Taal Volcano Island.
Dahil dito, pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na bawal pa ring pumasok sa Taal Volcano Island.