Naulit ngayong araw ang minor phreatomagmatic eruption ng Taal volcano.
Naitala ito kaninang ala-11:32 ng tanghali at nagtagal ng apat na minuto.
Ayon sa Phivolcs, umabot sa 2,000 metro ang taas ng ibinugang plume o singaw mula sa main crater nito.
Mula sa morning advisory ng Phivolcs, nakapagtala ang ahensya ng apat na volcanic Phreatic Eruption sa bulkang Taal sa nakalipas na 24 na oras.
Umabot din sa 3,276 tonelada kada araw ang ibinubugang Sulfur Dioxide Flux ng nasabing bulkan, at may pagsingaw na aabot sa 1,200 metro ang taas.
Sa kabila nito, nananatili pa rin sa Alert Level 1 Status ang Bulkang Taal.
Inaabisuhan ang mga residenteng malapit sa lugar na maging handa at alerto sa banta ng pag-aalburoto ng bulkan.
Maging ang private volunteer groups ay nagpahayag na rin ng kahandaang tumulong para sa mga kailangan ilikas kapag lumala ang sitwasyon sa nasabing bulkan.