-- Advertisements --
Muling nakapagtala ng dalawang phreatic eruption events sa Taal Volcano sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Phivolcs, tumagal ito ng dalawa hanggang 14 na minuto.
Dito ay nakapagtala ang ahensya ng Sulfur Dioxide Flux (SO2) na 2,064 tonelada kada araw.
Mayroon ding upwelling ng mainit na volcanic fluids mula sa lawa ng Taal.
Ang temperatura ay nasa 72.7 ℃ batay sa monitoring device ng Phivolcs.
Nabatid na ang steam plume ay may taas na 900 metro na itinuturing na katamtamang pagsingaw.
Napadpad naman ang usok sa timog-kanluran ng Batangas.
Nananatili naman ang ground deformation sa may Taal Caldera na may panandaliang pamamaga ng gawing hilaga at timog silangang bahagi ng Taal Volcano Island.