-- Advertisements --

Muling nakapagtala ng short-lived phreatic event sa Taal Main Crater.

Ayon sa Phivolcs, na-detect ang panibaghong mahinang pagputok ng bulkan sa pamamagitan ng Main Crater Observation Station.

Naranasan ito kaninang alas-8:54 ng umaga.

Ang event ay tumagal lamang ng halos tatlong minuto at nakalikha ng 300 meter na taas ng steam plume.

Matapos ang ilang minuto ay napadpad ang usok sa kanluran, hilagang kanlurang direksyon.

Ang Taal volcano ay nananatiling nasa Alert Level 1 o indikasyon ng patuloy na mahinang abnormalidad.