-- Advertisements --

Inalerto ng National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM) ang mga residente sa paligid ng Taal Volcano dahil sa panibagong steam-driven o phreatic na pagputok.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng ahensya mula sa National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM), unang naitala ang pagbuga ng abo kaninang 8:50AM hanggang 8:52AM at nasundan bandang alas-9:09AM hanggang 9:12AM.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga residente na iwasang lumapit sa bulkan.

Bagama’t posible pa itong masundan, hindi naman nakikita sa ngayon na aabot ito sa isang magmatic eruption.

Katunayan, wala namang naitalang mga pagyanig sa nakalipas na magdamag, na isang indikasyon ng posibleng malakas na pagsabog.

Maliban sa pagbuga ng abo, inoobserbahan din ang pamamaga ng ilang bahagi ng caldera nito at iba pang abnormalidad.

Nananatili namang “no man’s land” ang island volcano dahil sa panganib na maaaring mangyari sa mga magtutungto dito.