-- Advertisements --

Nakakapagtala pa rin ng abnormalidad ang Taal volcano.

Ayon sa Phivolcs, sa nakalipas na magdamag ay naka-monitor sila ng pagsingaw ng usok na may taas na 1,200 metro.

Maituturing itong malakas na pagsingaw na kalaunan ay napadpad sa kanluran-hilagang-kanluran ng Batangas.

Habang ang Sulfur Dioxide Flux (SO2) ay nakapagrehistro ng 11,745 tonelada / araw.

Bukod dito, mayroon ding apat na volcanic earthquake, kabilang angtatlong volcanic tremors na tumagal ng limang minuto o higit pa.

Babala ng Phivolcs, maaari pang dumami ang volcanic activities ng Taal, kaya kailangang maging alerto ang mga residenteng malapit sa lugar.