-- Advertisements --
Muling nagpakawala ng abo ang Bulkang Taal nitong gabi ng Biyernes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na dakong 11:51 ng gabi ng kanilang mamonitor ang pagbuga ng 900-meter na taas ng abu mula sa Main crater ng bulkan.
Kasabay din nito ay nakaranas ng volcanic tremor o pagyanig sa bulkan ng aabot sa tatlong minuto.
Nangyayari ang phreatic eruption dahil sa init mula sa magma, lava, at mga volcanic deposits.
Nanantiling nakataas sa Alert Level 1 ang nasabing kapaligiranng bulkan.