-- Advertisements --
Masusing inoobserbahan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang volcanic activity ng Taal Volcano sa Batangas, makaraang makapagtala ito ng 13 volcanic earthquakes sa nakalipas lamang na 24 na oras.
Ayon sa Phivolcs, bagama’t nananatili naman ito sa alert level one, hindi inaalis ang posibilidad ng anumang development lalo’t nakahanay ito sa mga aktibong bulkan.
Nitong mga nakaraang araw, natukoy din ang pagtaas ng temperatura sa crater at maging sa mismong level ng tubig.
Nakitaan din ng ground deformation sa lugar, kung ihahambing ito sa data sa loob ng 10 araw.
Muling ipinaalala ng Phivolcs na huwag pumasok sa deklaradong permanent danger zone (PDZ) para maiwasan ang panganib na dulot ng volcanic activity.