-- Advertisements --
NAGA CITY – Nakapagtala ng 16 volcanic earthquakes at pagbuga ng usok ang Taal Vocano sa loob ng 24 oras.
Sa pahayag ng DOST-PHIVOLCS, naitala ang Alert Level 1 sa nasabing bulkan kung saan posibleng maramdaman ang mga minor ashfall at pagbuga ng volcanic gas.
Nagbabala ang ahensya sa mga mamayan na ipinagbabawal ngayon ang pagpasok sa Taal Volcano Island (TVI) at sa mga permanent danger zone na malapit sa main crater ng bulkan.
Inabisohan naman ang mga lokal na gobyerno na apektado na panatilihing maging handa sa anumang posibleng mangyari.
Samantala, nagbabala naman ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga piloto nito na huwag lumipad malapit sa bulkan dahil sa abo na resulta ng biglaang pagbuga ng usok.