-- Advertisements --

Nakapagtala ng mga panibagong volcanic activity ang Phivolcs sa Taal Volcano.

Kabilang dito ang anim na volcanic tremors na tumagal ng lima hanggang 14 na minuto.

Naka-detect din ng 1,500 metrong taas ng malakas na pagsingaw ng usok.

Napadpad ito sa hilaga-hilagang-silangan at hilaga-hilagang kanluran ng Taal sa lalawigan ng Batangas.

Naobserbahan din ang ground deformation sa bulkan, partikular na sa may Taal Caldera, mula pa nitong mga nakaraang araw.