-- Advertisements --

Naglabas nitong abiso ang Philvolcs sa pagtaas at tuloy-tuloy na degassing activity ng Taal Volcano.

Ayon sa kanilang advisory, nagkaroon ang bulkan ng 11,499 tonnes per day ng volcanic sulfur dioxide o SO2 gas emission mula sa main crater na nasukat ngayong araw.

Ito na umano ang highest recorded ng sulfur dioxide emission mula sa naturang bulkan para sa taong 2023.

Batay sa visual monitors, makikitang umaangat pa ang volcanic fluids sa bunganga ng Taal, na lumilikha ng weak-to moderate-volume degassing plumes.

Tinatangay naman ang gas patungo sa southwest direction ng nasabing bulkan.

Sa kabila nito, wala namang na-detect na volcanic smog o vog sa Taal Caldera sa nakaraang mga oras.

Gayunman, pinapayuhan ang lahat na iwasan ang paglapit sa bulkan, lalo na sa direksyong pinupuntahan ng gas na inilalabas nito upang makaiwas sa anumang panganib sa ating kalusugan.