-- Advertisements --
Nanatiling nasa Alert Level 2 ang Taal Volcano kahit na nagbuga ito ng hindi normal na sulfur dioxide gas nitong Biyernes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na mayroong kabuuang 23,572 tonelada ng sulfur dioxide (SO2) ang naitala nilang ibinuga ng bulkan sa umaga pa lamang ng Biyernes.
Ito na ang pangalawang pinakamataas na pagbuga na ang una ay anoong Oktubre 5 na mayroong 25,456 tonelada.
Nagsimula na rin aniya ang volcanic earthquake ng bulkan noong Oktubre 11 matapos ang ilang linggong pananahimik.
Payo p rin ng PHIVOLCS sa mga residente doon na maging mapagmatiyag dahil sa posibleng mabago pa ang aktibidad ng bulkan.