-- Advertisements --
Nagtala ng apat pang phreatogmagnetic eruptions ang Taal Volcano nitong Huwebes ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na tumagal ng dalawang minuto ang phreatomagmatic burst na nagdulot ng pagkalat ng abo sa taas ng 200 metro.
Nangyari ito ng 6:26 PM, 7:21 PM, 7:41 PM at 8:20 Pm habang ang pag-alburot ng main crater nito ay nagsimula ng 8:07 PM.
Magugunitang itinaas sa alert level 3 ng PHIVOLCS ang Taal Volcano dahil sa nakitang abnormalidad nito.
Maraming mga residente sa kalapit na lugar ang kanilang pinalikas.