-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Nararanasan na sa ngayon ang ash fall, pag ulan ng putik at maliliit na bato sa mga lugar na kalapit ng Taal Volcano kagaya ng Talisay, Laurel at Agoncillo kung saan naka taas na sa alert level 3 ang status ng nasabing bulkan.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Batangas Columnist, Derrick Manas, na kasalukoyang nasa Tanawan ngayon, kitang kita ang malaking usok, dagdag pa ang pagkulog at pagkidlat.

Naramdaman din aniya ang tatlong pagyanig noong nagsisimulang sumabog ang bulkan.

Dagdag pa ni manas nakikipag kordinasyon na sila sa Red Cross, Batanggas Vice Mayor Mike Leviste at sa iba’t-ivang ahensiya para magpadala ng tulong sa mga apektadong residente lalo na ang mga nakatira sa volcano island.