-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na epektibo na ang taas pasahe sa Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) simula sa Abril 2.

Ito ay kasunod ng pag-apruba ng Department of Transportation (DOTr) sa umento sa fare matrix sa naturang railway system.

Ipinaalam naman ng ahensiya sa LRMC ang bagong fare matrix para sa Line 1 sa pamamagitan ng Isang notice na pirmado ni Railways Undersecretary Jeremy Regino.

Base sa inaprubahang revised fare matrix, tataas na sa ₱55 ang maximum fare para sa single journey end-to-end trip mula sa ₱45 habang ang minimum fare ay tataas sa ₱20 mula sa ₱15.

Samantala, nauna naman ng binigyang katwiran ni LRMC CEO Enrico Benipayo ang apelang fare hike ng concessionaire sa pamamagitan ng pagpresenta sa ilang improvements sa LRT1 kabilang na ang pagtaas ng gumaganang light rail vehicles at ang 100% daily system reliability, monthly system reliability, punctuality, at availability nito.