-- Advertisements --

Tatalakayin na sa araw ng Miyerkules , Pebrereo 19, ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petition ng mga transport group na gawing P15 ang minimum na pasahe sa mga jeepney.

Sinabi ni LTFRB Technical Division Head Joel Bolanos, na noon pang 2023 ay pending ang kanilang petition.

Sa nasabing panahon din ay pumayag ang Board ng provisional increase.

Una ng sinabi ng LTFRB noong Enero 21 na kanilang pinag-aaralan ang petition na taas pasahe na isinumite ng mga transport group.

Tiniyak naman nila na magiging balanse ang kanilang pag-aaral kung saa titignan din nila ang epekto nito sa mga pasahero.

Magsasagawa rin sila ng mga public hearing ukol sa nasabing usapin.