-- Advertisements --

Sumalubong sa unang araw ng Nobyembre ang taas presyo ng mga Liquefied Petroleum Gas o LPG.

Kaninang alas-6 ng umaga ng ipatupad ang nasabing pagtaas ng P1.64 sa kada kilo ng LPG.

Katumbas ito ng P18.04 sa kada 11 kgs. na mga LPG na kadalasang ginagamit sa bahay.

Ayon sa Department of Energy (DOE) ang nasabing dahilan nito ay ang mataas na demand ng LPG dahil sa malamig na panahon.