-- Advertisements --
Posibleng tumaas ang presyo ng produkto ng mga nakalagay sa sachet kapag natuloy ang pagbubuwis sa mga single-use plastic.
Sinabi ni Philippine Plastics Industry Association Inc. president Aaron Lao na mayroong epekto ito sa mga produktong pagkain at ibang mga gamit na nakalagay sa sachet.
Karamihan aniya kasi sa mga produkto na nakalagay sa sachet ay mga single-serve quantities na mas mura kumpara sa mga full-sized packs.
Tinawag pa nila ang hakbang bilang indirect taxing sa mga mahihirap.
Magugunitang isinusulong ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno ang pagbubuwis sa mga single use plastic hindi lamang para labanan ang climate change at para na rin makalikom na dagdag pondo ang gobyerno.