-- Advertisements --
Pinaghahanda na ng Department of Energy ang mga motorista na makakaranas ng pagtaas ng presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Kasunod ito sa patuloy na tensiyon na nagaganap sa pagitan ng Israel at Lebanon na nakakaapekto sa presyo ng krudo.
Sinabi ni Department of Energy Asst. Director Rodela Romero na ang nasabing labanan ay siyang dahilan na may paggalaw sa presyo ng krudo mula sa world market.
Asahan ang pagtaas ng presyo ng gasolina sa susunod linggo, habang ang diesel ay maaring manatili ang presyo.
Malaman pa sa araw ng Lunes kung magkano ang presyo ng paggalaw sa mga produktong petrolyo na kadalasang ipinapatupad tuwing araw ng Martes.