-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo ng kanilang produktong petrolyo ngayong unang linggo ng 2025.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P1.40 sa pagtaas sa kada litro ng diesel.

Mayroon namang P1.00 na pagtaas sa kada litro ng gasolina ganun din ang kerosene ay may P1.00 na pagtaas sa kada litro.

Isa sa mga dahilan na nakita ng Department of Energy ay ang mataas na demand ng fuel sa mga US at Europe na nakakaranas ngayon ng matiniding lamig.

Kasama na rin ang inaasahang production cuts sa buwan ng Abril.