-- Advertisements --

Humirit ang grupo ng mga magtitinapay ng taas presyo sa mga Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal.

Ayon sa Phil Baking na nais nila ang P2 hanggang P2.50 na taas presyo sa nasabing mga tinapay.

Isa sa mga rason ng mga ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga raw materials.

Inihahanda na ng grupo ang request nilang taas presyo para isumite ito sa Department of Trade and Industry.

Sinabi naman ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles na kanilang mahigpit na bineberipika kung nagtaas nga ba talaga ang mga raw materials.