-- Advertisements --

Aprubado na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang dagdag presyo sa Pinoy tasty at Pinoy Pandesal sa darating na Pebrero 1.

Magiging P23.50 na ang 10 piraso ng Pinoy pandesal mula sa dating P21.50.

Mula naman sa dating P35.00 ay magiging P38.50 na ang Pinoy tasty.

Ayon sa DTI na ang nasabing taas- presyo ay dahil na rin sa hinaing ng mga may-ari ng bakery sa taas ng mga presyo ng mga ginagamit sa paggawa ng tinapay gaya ng harina, margarine at maging ang liquefied petroleum gas (LPG).

Sinabi naman ng Philippine Federation of Bakers Association na mapipilitan din silang ipatupad ang ikalawang yugto ng taas presyo kapag nagpatuloy ang taas presyo.