-- Advertisements --

Pinaghahanda ng Department of Energy ang mamamayan sa panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa bisperas ng Pasko sa susunod na linggo.

Sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau ,Assistant Director Rodela Romero, na base sa apat na araw na trading ay nakita nila ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa kanilang pagtaya na maglalaro mula P0.35 hanggang P0.70 ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Habang tinatayang mula P1.10 hanggang P1.40 naman ang pagtaas sa kada litro ng diesel at P0.90 hanggang P1.00 na pagtaas sa kada litro ng kerosene.

Isa sa mga dahilan ng nasabing panibagong pagtaas ay ang paghina na peso na pumalo na ngayon sa P58.98 katumbas ng isang dolyar.

Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo na kadalasang ipinapatupad tuwing araw ng Martes.