-- Advertisements --
Asahan umano na magkakaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa ilang impormante mula sa oil industry, magkakaroon ng dagdag na P0.20 hanggang P0.30 ang kada litro ng diesel.
May umento rin na P0.15 hanggang P0.25 ang kada litro ng kerosene.
Habang may kaltas namang P0.30 hanggang P0.40 ang kada litro ng gasolina.
Ito na ang ikalawang sunod na linggong nagkaroon ng sabay na dagdag-presyo sa singil ng diesel at kerosene.
Karaniwang ipinatutupad ang pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo tuwing araw ng Martes.