-- Advertisements --

Asahan ang taas presyo ng mga produktong langis sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy- Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) na magkakaroon ng pagtaas ng mula P0.15 hanggang P0.45 sa kada litro ng gasolina.

Habang ang diesel ay mayroong P0.10 hanggang P0.40 sa kada litro.

Tanging ang kerosene lamang ang mayroong pagbaba ng presyo na maglalaro mula P0.20 hanggang P0.30 ang ibabawas sa kada litro.

Ang nasabing estimates ay base na rin sa apat na araw na trading sa pandaigdigang pamilihan.

Sa araw ng Lunes malalaman kung magkano tunay na taas presyo ng mga produktong langis na kadalasang ipinapatupad sa araw ng Martes.