-- Advertisements --

Asahan ang panibagong taas presyo sa mga produktong petrolyo sa huling linggo ng Nobyembre.

Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na maglalaro mula P0.70 hanggang P0.90 ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Habang ang diesel ay mayroong mula P0.70 haggang P1.00 ang pagtaas sa kada litro.

Samantalang ang kerosene ay maglalaro mula P0.60 hanggang P0.70 ang itataas sa kada litro.

Itinuturong dahilan ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero ang inaasahang pagtaas muli ng tensiyon sa Russia ganun din ang oil production outage sa Norway.

Sa araw ng Lunes kadalasang inaanunsiyo kung magkano ang taas presyo sa mga produktong langis na kadalasang ipinatupad tuwing araw ng Martes.