-- Advertisements --

Asahan ng panibagong pagtaas presyo ng langis sa unang araw ng Oktubre sa susunod na linggo.

Base kasi sa nagdaang tatlong araw na trading ng Department of Energy na tumaas ang presyo ng mga imported na petrolyo.

Maaring maglaro ng mahigit P1.00 ang itataas sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.

Pangunahing dahilan na nakita ng DOE ay ang lumalalang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hezbollah sa Lebanon.