-- Advertisements --

Abiso para sa mga motorista.

Nakatakda muling magtaas ang singil sa kada litro ng produktong petrolyo sa darating na linggo.

Asahan na tataas sa P1.80 hanggang P1.90 ang halaga ng kada litro ng diesel.

Habang tinatayang nasa P1.40 hanggang P1.50 naman ang madadagdag sa singil sa kada litro ng gasolina.

Batay sa datos ng Department of Energy (DOE), makikita na ang year-to-date adjustments ng total net increase sa kada litro ng gasolina ay nasa P2.60, habang nasa P3.50 naman sa kada litro ng diesel, at P2.74 naman sa kada litro ng kerosene.