Asahan ang muling pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo sa pagpasok ng unang linggo ng Pebrero.
Madadagdagan ng hanggang P0.80 hanggang P0.90 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Nasa P0.60 hanggang P0.70 naman ang itataas ng halaga sa kada litro ng diesel.
Habang nagkakahalaga naman sa P0.40 hanggang P0.50 ang magiging dagdag presyo sa kada litro ng kerosene.
Kung maaalala, ito na ang ikalimang pagkakataon na nagkaroon ng taas-presyo sa produktong petrolyo sa bansa ngayong taon.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Energy (DOE), nakasaad sa year-to-date adjustment stand noong Enero 11, 2022 na umaabot sa P2.60 ang naitalang total net increase sa kada litro ng gasolina, habang nasa P3.50 naman sa kada litro ng diesel, at nagkakahalag naman sa P2.74 sa kada litro ng kerosene.