-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ng taas presyo ang mga kumpanya ng langis ng kanilang produkto.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P1.35 na taas presyo sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang P1.30 na taas presyo sa kada litro ng diesel habang ang kerosene ay mayroong P1.30 sa kada litro na pagtaas.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na ang nasabing taas presyo ng mga produktong petrolyo ay dahil sa patuloy na tensiyon sa Gitnang Silangan at ang pagbabanta ng US na taas taripa sa mga bansa.