-- Advertisements --
Nagbabadya umano ang mahigit sa P1 na taas-presyo sa ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa ilang mga impormante, papalo ng P1.15 hanggang P1.25 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.
May P0.80 hanggang P0.90 namang umento sa kada litro ng kerosene.
Sa presyo naman ng diesel, magkakaroon ng pagtaas na P0.75 hanggang P0.85 kada litro.
Sinabi ng mga eksperto, ito raw ay dulot ng nangyaring missile attack sa Saudi Arabia noong Martes at malaking bawas sa imbentaryo ng langis ng Estados Unidos.
Ito rin anila ay dahil sa inaasahang pagtaas ng pangangailangan sa langis dahil sa pagdami ng naturukan ng bakuna kontra COVID-19 sa mga mayayamang bansa.